Taglay ang natural na kagandahan ng isla ng Palawan at
paraiso ng Cuyo, ang Ploning ay isang simpleng istoryang naisagawa ng maayos sa
pamamagitan ng paglalagay ng "puso" dito. Binabago nito ang isang simple at dedikadong
istorya tungo sa isang makabuluhan at nakakaantig damdaming representasyon ng
buhay ng isang tao sa pamamagitan ng simpleng saya, pagkabigo at tagumpay sa
lugar na kinabibilangan at kinaiikutan ng kanilang buhay.
Inililipat ng Ploning ang mga manonood sa espasyo at oras na
ipinapakita nito at nag-iinject sa
kanilang isipan ng mga ideya tungkol sa buhay at pag- ibig nang hindi
nagmumukhang corny at lecture type ang pelikula. Nagbibigay
ang pelikulang ito ng mga damdaming hindi lamang nakukuha sa bastang pagbabasa
ng mga linya sa script. The feeling is beyond the mere saying of the
lines, kung itatranslate sa ingles. Ang likhang sining na ito ay
nagpapakita ng sincerity mula sa kaisipan
at karanasan ng direktor nito na siyang nag-convert
ng kanyang buhay, tirahan, at katauhan tungo sa isang kahanga-hangang pelikula.
Isang bagong Judy Ann Santos ang nakita sa film na ito. Basically, kailangan niyang pag-aralan ang Cuyonon dialect dahil halos karamihan ng mga senaryo dito ay
nakuhanan gamit ang native na dayalekto
ng mga Cuyonon. At higit pa sa pagiging isang sikat na artista na may maraming commercial sa kanyang panahon- may
kakayahang baguhin ang malalamyang mainstream
movies tungo sa mga box office hits
na pelikula- ang sineng ito ay nagrerequire
sa kanya na ipahayag sa mga manonood ang kanyang saloobin at damdamin sa
pamamagitan lamang ng kanyang mga mata at galaw, di tulad ng tradisyonal na mainstream na walang ibang layon kundi
ang kumita sa takilya. Sa Ploning, hindi na kailangan pang "lumuwa"
ang mata ni Judy Ann sa kaiiyak para lamang makita na siya ay malungkot, kundi,
mas binigyang empasis nito ang hindi pagkibo at pagsasalita ng madalas. Ipinakita
ni Juday sa pagkakataong ito na hindi niya kailangan ng leading man upang magampanan ng maayos ang kanyang papel sa
istorya.
Ang iba pang mga karakter sa istorya ay nagpakita din ng
kahusayan sa pag-arte. Maging sila ay nangailangan din ng pag-aaral sa
dayalekto ng mga Cuyonon upang mapangatawanan ang kanilang karakter. Natural na
natural ang kanilang pag-arte, mapabeteranong artista man o baguhan. Bilang
kabuuan, naipakita nila ang mga saktong emosyong dapat ilahad sa istorya habang
binibigkas ang kanilang mga linya.
Without being trying
hard, ang sincerity ng istorya tungkol
sa pagmamahal at paghihintay, paghilom at pagpapatawad, ay naging liwanag sa
isip ng mga Cuyonon. Hindi man ito perpekto pagdating sa technicalities, nagsilbi naman itong isang magandang halimbawa ng
pelikulang Pilipino. Naging isa itong kolaborasyon ng mga representasyon ng
buhay, pag-ibig, at realidad. Sana ay magkaroon pa ng ganitong mga pelikula na
nagpapakita ng tradisyon at kultura nating mga Pilipino. => Michie :)