Linggo, Setyembre 15, 2013

Masahista: Si Coco na Walang Pahinga (Isang Pagsusuri sa Pelikulang Masahista ni Coco Martin)

Sa umpisa pa lamang ng panonood ko, naglabasan agad ang establishing shots sa pelikula. Animo’y naglalakbay sa kawalan ang bida habang minamasdan ang pagsalubong ng ilan sa kapaskuhan. Masasabi at matitiyak mo agad ang panahon ng istorya dahil sa mga Christmas lights at parol na ipinakita dito.

Hindi mo aakalain na tungkol sa isang masahista ang pelikula dahil parang tungkol sa pasko ang unang ipinakita dito. Ganun pa man, sumegway naman agad ito sa pinakapunto o pinakatema ng istorya sa pamamagitan ng pagpapakita ng lugar kung saan naninirahan ang bida (Pampanga).

Sa pagkakaunawa ko, ang istorya ay tumatakbo sa buhay ng isang masahista na hindi lang pagmamasahe ang ibinibigay na serbisyo kundi pati na rin ang pagbibigay ng aliw. Ito ang ikinabubuhay ng bida na si Illiac, upang masustentuhan na rin ang naghihirap na pamilya. Ipinakita at ipinunto ng istorya ang pagiging mahirap ng kanyang trabaho, dahil bukod sa madalang ang kita dito ay hindi ito sapat upang matustusan ang lahat ng pangangailangan ng pamilya.  Ipinahatid din ng istorya na sa lahat ng paghihirap at gawin ni Illiac sa trabaho, naaalala niya ang kanyang ama na yumao ng hindi man lang niya nakita bago mamatay. Dahil dun, ipinabatid na din ng kwento na kahit papaano ay minamahal ni Illiac ang kanyang ama.

Dun sa part na inilawan na ‘yung malaking parol, ipinakita dun na nakatingin silang lahat na nakatulala. Parang sinasabi nun na dahil sa kapaskuhan, nagkaroon ng liwanag ang kanilang buhay kahit na may kanya- kanya silang pinoproblema.

Okay naman ang mga shots na ginamit, pati ang mga anggulo ng mga scenes. Kahit na walang masyadong bago sa cinematography ng pelikula, masasabi kong kanilang- kanila ang mga techniques, shots, at angle dahil tumutugma iyon sa mga scenes at naging consistent sila sa mga ito hanggang sa huli.

Nung una akala ko medyo mali ung paglalapat ng tunog sa part na tumatawa si Alan Paule dahil iba na ung pinakitang scene pero maririnig pa rin ung tawa niya. Iyon pala ay sinadya iyon ng editor para bigyang diin ang paghihirap ni Illiac bilang masahista habang masaya naman ang iba sa ibinibigay niyang aliw.  Ganun din sa part na umiiyak ‘yung nanay ni Illiac habang ipinapakita ang mga activities sa pagmamasahe, parang sinasabi nun na hindi biro ang trabaho ng masahista, na may mga pagkakataong nakakaiyak din ang pagmamasahe sa kapwa mo lalaki kahit nabibigyan ka nun ng aliw.

Gusto ko ‘yung anggulo dun sa part na minamasahe ni Illiac ung noo ng customer niya. Point of view ni Illiac ‘yung ipinakita.

Gusto ko din ‘yung way ng pagcocompare ng direktor sa trabaho ni Illiac at pagkamatay ng kanyang ama. Hindi kasi traditional way ng pagpapakita ng memories ‘yung ginamit sa buong film, kundi through cuts lang. Hindi na gumamit ng transition para sa flashback at maganda ‘yung turn ng scenes from pagmamasahe up to paghahanda sa libing ng kanyang ama.



Sa bandang huli, nakakalungkot isipin na kung kelan pasko ay namatay ang tatay ni Illiac. Pero nakakalitong isipin kung bakit dapat lalaki ang maging masahista sa istorya at hindi babae. Pwede namang babae ang masahista tapos lalaki ang customer diba? O kaya lalaki ang masahista tapos babae ang customer. Hindi ko lang maintindihan si Brillante Mendoza kung anong dahilan niya tungkol dun. => Michie :)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento