"Isang himala... kasalanan bang, humiling ako sa langit
ng... isang himala..."
Iyan ay isang linya mula sa kantang "Himala" ni Kitchie Nadal. Kung lilimiin, hindi naman
kasalanan ang humiling ng himala, hindi rin naman masamang umasa sa himala, at
mas lalong hidi ipinagbabawal ang paggawa ng sarili mong kapalaran, ng sarili
mong himala.
Sa pelikulang himala ni Nora Aunor, na gumanap bilang Elsa,
binibgyang diin ang pagiging relihiyosonating mga PIlipino. Ngunit sa kabila
nito, hindi maikakailang hindi rin naman lahat ng Pilipino ay nagpapasakop sa relihiyong
mayroon tayo.
Ipinakita sa istorya na bagamat marami ang nananampalataya
kay Elsa, ang itinuring na birhen, ay may natitira pa ring salungat sa kanyang
mga prinsipyo at paniniwala. Nariyan ang
pananamantala ng mga tao- pagbebenta ng mga gamot at tubig na binabasbasan ni
Elsa, pagnanakaw habang nagdarasal ang karamihan, at pagtitinda ng samu't
saring produkto habang dumaragsa ang mga dayo.
Ibinahagi rin sa nasabing pelikula ang pagiging two- faced ng partido ni Elsa. Sia, at ang kanyang mga
apostoles, ay nakitaan din ng masamang ugali sa kabila ng kanilang pagiging
relihiyoso. Una, parang naging kulto si Elsa. Sinasabi niyang nakikita niya ang
Mahal na Birhen kahit hindi, at pinapaniwala niya ang iba na kaya niyang
makapagpagaling ng may sakit kahit wala naman ito sa kanyang kakayahan.
Pangalawa, mismong ang kanyang mga tagasunod pa ang nananamantala sa taong
bayan. Ginagawa nilang hanapbuhayang panggagamot ni Elsa sa pamamagitan ng
pagbebenta ng mga gamot. Kung gusto talaga nilang makatulong, hindi ba't maaari
naman nilang ipamigay na lamang ang mga iyon? Ikatlo, at pinakahuli,
nagpakamatay si Chayong. Isa man siya sa pinakamatatag ang pananampalataya,
nagawa pa rin niyang magpakamatay dahil sa isang trahedya sa kanyang buhay.
Gumamit ang pelikula ng simbolismo sa iba't ibang bahagi
nito. Ang senaryo kung saan hindi mapagaling ni Elsa ang anak ni Sepa, ay
nagpapakita na walang sapat na kakayahan ang taona kontrolin ang kapalaran ng
iba, na ang pagsisinungaling at pagpapanggap ay hindi kailanman
makapagpapagaling ng karamdaman, na tanging Diyos lamang ang may kontrol sa
lahat.
Samantala, ang parte kung saan pinaikot- ikot ang kabaong ni
Chayong, at ang pagpatay ng manok at paghagis ng palayok pagkatapos nito, ay
nagpapakita ng tradisyon at pamahiin natin bilang Pilipino. Ang pagtitig ng
tatay ni Nimia sa isang stick ng
sigarilyo habang umuulan ay maaaring
mangahulugang sadyang makasalanan ang tao ngunit nananatiling faithful ang Diyos sa kabila ng pagiging unfaithful natin.
Kung susuriin naman ang teknikalidad ng pelikula, masasabi kong simple lang ang
pagkakagawa dito. Hindi ito masyadong ginamitan ng camera movements, at kadalasan ay isang anggulo lamang ang ginamit
para sa isang senaryo. Hindi din masyadong gumamit ng close up shots sa mga parteng may pag-uusap, kundi whole shot lamang ang ginamit. Kadalasang malikot din ang camera, na para
bang pasmado ang kamay ng cameraman.
Makikitang grainy ang
video nung umpisa pa lamang, may
pagka-fixelated at hindi fine ang texture nito. Malabo din ang video,
minsan madilim at blurred ang parte
kung saan akay na ng mga tao ang bangkay ni Elsa.
Hindi kumpleto kung sasabihin lamang na maganda ang pelikula, dahil sa pangkalahatan, tunay na award winning ang likhang sining na ito. Nagampanan ng mga artista ang kanilang papel nang maayos at naaayon sa istorya. Ganun din naman ang direktor na siyang nangasiwa sa buong production team ng nasabing pelikula.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento