Sa umpisa pa lamang ng panonood ko, naglabasan agad ang establishing shots sa pelikula. Animo’y
naglalakbay sa kawalan ang bida habang minamasdan ang pagsalubong ng ilan sa
kapaskuhan. Masasabi at matitiyak mo agad ang panahon ng istorya dahil sa mga Christmas lights at parol na ipinakita
dito.
Hindi mo aakalain na tungkol sa isang masahista ang pelikula
dahil parang tungkol sa pasko ang unang ipinakita dito. Ganun pa man, sumegway naman agad ito sa pinakapunto o
pinakatema ng istorya sa pamamagitan ng pagpapakita ng lugar kung saan
naninirahan ang bida (Pampanga).
Sa pagkakaunawa ko, ang istorya ay tumatakbo sa buhay ng
isang masahista na hindi lang pagmamasahe ang ibinibigay na serbisyo kundi pati
na rin ang pagbibigay ng aliw. Ito ang ikinabubuhay ng bida na si Illiac, upang
masustentuhan na rin ang naghihirap na pamilya. Ipinakita at ipinunto ng
istorya ang pagiging mahirap ng kanyang trabaho, dahil bukod sa madalang ang
kita dito ay hindi ito sapat upang matustusan ang lahat ng pangangailangan ng
pamilya. Ipinahatid din ng istorya na sa
lahat ng paghihirap at gawin ni Illiac sa trabaho, naaalala niya ang kanyang
ama na yumao ng hindi man lang niya nakita bago mamatay. Dahil dun, ipinabatid
na din ng kwento na kahit papaano ay minamahal ni Illiac ang kanyang ama.
Dun sa part na inilawan na ‘yung malaking parol, ipinakita
dun na nakatingin silang lahat na nakatulala. Parang sinasabi nun na dahil sa
kapaskuhan, nagkaroon ng liwanag ang kanilang buhay kahit na may kanya- kanya
silang pinoproblema.
Okay naman ang mga
shots na ginamit, pati ang mga
anggulo ng mga scenes. Kahit na
walang masyadong bago sa cinematography
ng pelikula, masasabi kong kanilang- kanila ang mga techniques, shots, at angle dahil tumutugma iyon sa mga scenes at naging consistent sila sa mga ito hanggang sa huli.
Nung una akala ko medyo mali ung paglalapat ng tunog sa
part na tumatawa si Alan Paule dahil iba na ung pinakitang scene pero maririnig pa rin ung tawa niya. Iyon pala ay sinadya
iyon ng editor para bigyang diin ang
paghihirap ni Illiac bilang masahista habang masaya naman ang iba sa ibinibigay
niyang aliw. Ganun din sa part na
umiiyak ‘yung nanay ni Illiac habang ipinapakita ang mga activities sa pagmamasahe, parang sinasabi nun na hindi biro ang
trabaho ng masahista, na may mga pagkakataong nakakaiyak din ang pagmamasahe sa
kapwa mo lalaki kahit nabibigyan ka nun ng aliw.
Gusto ko ‘yung anggulo dun sa part na minamasahe ni Illiac
ung noo ng customer niya. Point of view
ni Illiac ‘yung ipinakita.
Gusto ko din ‘yung way
ng pagcocompare ng direktor sa
trabaho ni Illiac at pagkamatay ng kanyang ama. Hindi kasi traditional way ng pagpapakita ng memories ‘yung ginamit sa buong film, kundi through cuts lang. Hindi
na gumamit ng transition para sa flashback at maganda ‘yung turn ng scenes from pagmamasahe up to
paghahanda sa libing ng kanyang ama.
Sa bandang huli, nakakalungkot isipin na kung kelan pasko ay
namatay ang tatay ni Illiac. Pero nakakalitong isipin kung bakit dapat lalaki
ang maging masahista sa istorya at hindi babae. Pwede namang babae ang
masahista tapos lalaki ang customer
diba? O kaya lalaki ang masahista tapos babae ang customer. Hindi ko lang maintindihan si Brillante Mendoza kung
anong dahilan niya tungkol dun. => Michie :)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento